MASAYA ang bagong Kapuso actress na si Shaira Diaz dahil pumirma na siya kamakailan ng exclusive contract sa GMA Network.

Shaira copy

Co-managed ng ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria, year 2012 nang sumali si Shaira sa Artista Academy ng TV 5, at isang taon na siyang Kapuso.

“Super happy po ako, and thankful,” sabi ni Shaira. “Nakakatuwa po dahil pagkatapos kong mag-sign-up ng exclusive contract, meron agad akong teleserye, ang Pamilya Roces.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Since po napunta ako sa GMA, hindi na po ako nabakante. Tuluy-tuloy ang mga shows ko. Nagsimula nang pumasok ako sa Trops ng TAPE Inc., at guestings sa mga shows ng GMA. Ang pinakahuli ko, nang mag-guest ako sa Contessa.

“Nagsimula na kaming mag-taping ng Pamilya Roces. Nakakatuwa po na kasama ko rin dito ang mga Kapatid stars ko sa TV5 na sina Sophie Albert at Jasmine Curtis Smith.”

Gagampanan ni Shaira ang role ni Amethyst Roces, bunsong anak ni Lily Renacia (Ana Roces) at ni Rodolfo Roces (Roi Vinzon). Stepsister niya si Pearl Pineda (Jasmine) at favorite daughter siya ni Rodolfo.

Kumusta naman ang love life ni Shaira? Dati niyang boyfriend ang aktor na si Edgar Allan Guzman.

“Okey po naman, tahimik. Wala po akong bagong boyfriend, pero ayaw ko na po mag-detail. Friends pa rin po naman kami ni EA. Maayos po naman kami, choice din naman namin iyon.”

Pareho na silang nasa GMA ni EA, paano kung pagtambalin sila?

“Kung papayagan po kami ng both management namin, okey po naman. Willing naman akong makatrabaho siya.”

Makakasama rin ni Shaira sa Pamilya Roces sina Carla Abellana, Ms. Gloria Diaz, Ms. Elizabeth Oropesa, Snooky Serna, Rocco Nacino, Christian Bautista, Gabbi Garcia, at ang bagong Kapuso actor na si Manolo Pedrosa.

Sa direksiyon ni Joel Lamangan, mapapanood na ang Pamilya Roces simula sa Lunes, October 8, sa primetime block ng GMA 7, pagkatapos ng Onanay.

-Nora V. Calderon