“WALA pong sinasabi ang production.”Ito ang sagot sa amin ng taga-Dos nang tanungin namin kung totoong mawawala na sa Ngayon at Kailanman si Alice Dixson, base sa mga naririnig naming tsika, dahil ‘tila may problema ang aktres sa isa sa cast members ng serye.

Alice

Nag-a-attitude raw si Alice sa set, at ang nabiktima raw ng nasabing ugali ng aktres ay si Ms Rosemarie Gil. Sinasabing nakarating ang isyu sa anak ng huli na si Ms Cherie Gil, at nag-post si Cherie na umano’y patama kay Alice.

“Nagngingitngit ako! #Breathe. Hindi ka pa pinapanganak artista na sila at malaking kontribusyon sa industrya na pinagkikitaan mo rin ngayon! So BEHAVE ka lang diyan pwede?!” saad sa post ni Cherie.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“What I don’t understand is that some actors feel entitled and have the right to throw their weight around regardless of any and all such considerations. BAKET???”

Mabilis na nahulaan ng mga nakabasa sa post ni Cherie na si Alice ang pinatatamaan ng una sa mga post niya, hanggang sa may mga narinig na kaming tsika na bilang na ang araw ng huli sa Ngayon at Kailanman.

Pero ‘yun nga ang sagot ng taga-Dos na may access sa production ng Ngayon at Kailanman: wala raw sinasabi ang taga-production.

Baka naman naayos na ang problema sa pagitan nina Alice at Ms Rosemarie kaya okay na.

Sa ganang amin, hindi puwedeng mawala ang karakter ni Alice na Stella sa serye dahil kinakapitan na siya ng manonood, lalo at suspek na siya ni Rebecca (Iza Calzado) sa pagpatay kay Rodrigo (TJ Trinidad) at sa anak nila (Julia Barretto).

Anyway, base sa itinatakbo ng kuwento, nagtagumpay na naman si Stella na ipapatay ang natitirang witness ni Rebecca sa pagpatay kay Rodrigo, kaya nagpupuyos na naman sa galit ang tunay na ina ni Eva (Julia).

Speaking of Eva, nanatiling matigas pa rin ang desisyon niyang hindi tanggapin ang alok ni Inno (Joshua Garcia) na maging parte ng Cortes Jewelry, dahil nagustuhan ng Korean investor ang mga disenyo niyang alahas, na gawa sa plastic bottle.

Base sa umereng episode ng Ngayon at Kailanman nitong Miyerkules, lalong nagalit ang mga taga-Gintong Pag-Asa sa ideya ni Inno na pausukan ang buong lugar para mawala ang mga lamok, bagay na nakasama naman sa mga nakatira roon dahil hindi sila makahinga.

Kaya nanlulumo si Inno dahil hindi na niya alam kung ano pa ang mga susunod niyang hakbang para mapasagot si Eva.

-REGGEE BONOAN