BINISITA namin ang social media account ni Direk Erik Matti para sana makibalita tungkol sa kumalat na namang balita na nag-resign na siya bilang direktor ng Darna. Pero wala pang binabanggit ang direktor tungkol dito.

Direk Erik at Liza copy

Maaalalang nabalita na a few months ago na nag-resign si Direk Erik bilang direktor ng Darna, pero itinanggi niya ito. Nagkita pa nga sila ni Jun Nardo, ang reporter na nagsulat ng pagre-resign niya, sa presscon ng Buy Bust at itinanggi nito ang balita. Siya pa rin daw ang direktor ng pelikulang pagbibidahan ni Liza Soberano.

This time, nabalitang hindi pumayag si Direk Erik na ayusin uli ang script na isinulat niya. Five years in the making na raw kasi ang project at hindi pa nagagawa, kaya mas minabuti na lang daw ni Direk Erik na mag-resign na lang.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kung totoo ngang nag-resign si Direk Erik sa Darna, busy pa rin siya sa paggawa sa On The Job 2 nina John Arcilla, Dennis Trillo, Christopher de Leon among the 29 cast members.

-Nitz Miralles