Plano ni Pangulong Duterte na magpatupad ng total ban sa pagmimina sa buong bansa pagkatapos ng mid-term elections sa Mayo 13, 2019.

Sinabi ng Presidente na nais niyang ipasara ang mga minahan na sumisira sa kalikasan, at inaasahang susuportahan ng mga bagong halal na mambabatas ang plano niyang ito.

Una nang sinabi ni Duterte na upang tuluyang matuldukan ang pagmimina, kailangang amyendahan ang Republic Act 7942 na sumasaklaw sa mineral resource exploration at development sa bansa.

“May batas na nagbigay ng ano na may minahan dito sa Pilipinas. Hindi ako mag-ano niyan, Kongreso. Pero pagkatapos ‘tong eleksiyon na ito, bago ang mukha naman. I will try na i-ban—i-total ban ko na talaga ang mining. Our environment is really destroyed,” sinabi ni Duterte sa harap ng mga rebel returnees sa Samar nitong Martes.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Ayon kay Duterte, kumikita ang pamahalaan ng P70 bilyon mula sa mining industry, subalit hindi, aniya, sapat ang nasabing halaga upang mabawi ang mapaminsalang epekto nito sa kalikasan at sa mga komunidad na naaapektuhan nito.

-Genalyn D. Kabiling