Sinisikap ng Department of Foreign Affairs (DFA) na alamin ang kondisyon ng isang Filipino detainee na napaulat na kabilang sa daan-daang bilanggo na pumuga sa Lapas Penitentiary, matapos tumama ang 7.5 magnitude na lindol at tsunami sa Central Sulawesi, nitong Biyernes.

Unang iniulat ng Konsulado ng Pilipinas sa Manado na ligtas ang Pinoy inmate. Ngunit kalaunan ay napabalitang sumama pala ito sa mass jailbreak nang masira ng lindol ang kulungan.

Sinabi ni Consul General Oscar Orcine na ang Pinoy ay hinatulang makulong hanggang 2021 dahil sa pagpuslit ng droga sa Indonesia noong 2011.

-Bella Gamotea
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter