ISA sa pinakabonggang pares na rumampa sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2018 nitong Sabado sa Makati Shangri-La ay ang Araw Gabi stars na sina JM de Guzman at Barbie Imperial. Sweet na sweet at magkahawak-kamay na nagpakuha ng litrato ang dalawa sa dose-dosenang photographers.

JM at Barbie copy

Tuloy, ‘di maiwasang itanong sa kanila kung ano na ba talaga ang real score sa pagitan nila, na umano ay nabuo dahil sa maiinit nilang mga eksena sa Araw Gabi.

“Hindi ko naman dini-deny ‘yun syempre kapag you’re into the role, attractive ang ka-partner mo, mahirap. Mahirap din, hindi ko masabi na nandoon na si Barbie na lang ang...” ani JM at kaagad namang niyang ibinaling kay Barbie ang tanong, nang ‘tila nahirapan na siyang magpaliwanag.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Ayaw namang magbigay ng komento ni Barbie tungkol sa ‘tila pagkakamabutihan nila ng kanyang leading man. Pero para sa dalaga, importante na masaya silang dalawa ngayon.

“Opo, dahil matagal na kami magkasama. Medyo totoo na masaya kami,” ganting sagot ni Barbie.

Agad namang nilinaw ni JM, mas kilala na nila ni Barbie ang isa’t isa at mas kumportable na din sila kapag magkasama.

“Basta were enjoying each other’s company the best way we can,” nakangiti pang pahayag ng aktor.

-Ador V. Saluta