LALONG humanga si Aga Muhlach sa de-kalidad na pagganap ni Bea Alonzo sa First Love, ang unang pelikulang pinagtatambalan nila na ipapalabas na sa October 17.“Nang magsimulang ipalabas ang mga pelikula ni Bea, noon naman ako nagsimulang maging inactive,” kuwento ni Aga nang magkausap kami.

Bea at Aga copy

“Noon pa man mahusay na talaga, hanggang sa tawagin na nga siya ng Star Cinema as newest movie queen.”

Tatlong production company ang natulung-tulong para buuin ang First Love, ang Ten17P ni Paul Soriano, Viva Films at Star Cinema.Sina Direk Paul at Aga ang nag-umpisang mag-usap tungkol sa project na umabot sa isang taon ang pagsusulat sa script.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Natagalan ang pagbuo sa kuwento dahil umiiwas si Aga sa paggawa ng ordinaryong pelikula.Off-beat ang role sa unang storyline na ipinabasa at in-offer ni Direk Paul kay Aga. Sa paulit-ulit na revision, nabuo ang First Love na bagamat love story na iniiwasan na rin niyang gawin ay kakaiba ang atake.

Sa ipinapakitang trailer, ipinahihiwatig na may sakit ang character ni Bea. Pero hindi man masyadong pronounced, ‘tila may twist dahil misteryoso rin o maaaring may something din sa character ni Aga.

Mukhang gloomy o tear-jerker ang First Love, sa katunayan, si Aga na ang unang nagkuwento na napaiyak na agad siya sa dubbing.“Ganito talaga ang pelikula na gusto kong gawin,” kuwento pa ng aktor.

“Gusto ko ‘yong nararamdaman ko ang character at tunay na emotions ang ibibigay ko sa moviegoers.”Ano ang impression niya sa unang pakikipagtrabaho niya kay Bea?

“Alam mo ba kung ano’ng sinabi ko kay Charlene (Gonzales, wife niya) pagkagaling ko sa dubbing? Sabi ko, ‘Be, ‘di ako magtataka kung maka-grandslam ng best actress awards si Bea sa pelikula naming ito.”

Isa si Aga Muhlach sa iilang masusuwerteng Filipino actors na kahit magpahinga ng maraming taon ay hindi bumababa ang popularidad at bankability. Hindi bumibitiw sa kanya ang fans niya -- kahit nitong huling hiatus na walong taon siyang nag-concentrate sa visual arts (paintings) at pamilya.

Itinuturing nang event ng moviegoers kapag may bago siyang pelikula. Katunayan, umaani ng awards ang off-beat role niya sa Seven Sundays.

Pareho sila ni Bea Alonzo, mahusay pumasok sa characters at ninanamnam ang pagganap. Nabibigyan nila ng brilyo ang napakaordinaryong papel.Ang dahilan? Hindi sila petiks sa trabaho.

-DINDO M. BALARES