'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

NAGPAABOT ng karagdagang tulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pamilya ng Batang Pinoy campaigner Rastafari Daraliay ng wushu na pumanaw nitong weekend.

ramirezramirez

Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, hinihintay ng ahensiya ang opisyal na medical report hingil sa pagpanaw ng 11-anyos na atleta na kabilang sa develiopmental pool ng ahensiya at kasalukuyang nanunuluyan sa athletes quarters sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

‘While we waiting the official medical report, we already extended our condolences to the family. Nabigay na rin tayo ng financial na tulong and we promised na sasagutin ng PSC ang lahat ng gastusin,” pahayag ni Ramirez.

“Nakalulungkot lang at nangyayati ito lalot na mga potensyal na atleta na tula dniya,” sambit ni Ramirez na isinantabi ang ‘fouk play’.

“Sa nakarating sa aming kuwento, nahulog yung bata sa kanyang kama,” aniya.

Sa panayam sa mga magulang ni Daraliay na sina Bobbit at Hazel, aksidenteng nahulog sa double deck na kama ang kanilang anak habang natutulog ganap na alas-3 ng madaling araw.  Nakabalik pa umano ito sa higaan at pinagpatuloy ang naunsiyaming pagtulog.

Habang naghahanda para s akanilang pagsasanay, ginising ng kapwa atleta si Daraliay ngunit, napansin nilang bumubula na ang bibig nito kung kaya’t tumawag sila ng tulong sa personnel ng PSC at agad na isinugod ang bata sa Sanitarium Hospital na siyang pinakamalapit na pagamutan sa RMSC.

Makalipas ang dalawang oras ay binawian na rin ng buhay  ang nasabing batang atleta.

"We are deeply saddened by this untimely death of one of our developmental athlete. We have talked to the family and we are  going to give them full support," pahayag ni Ramirez.

Si Daraliay ay produkto ng Batang Pinoy na nakakuha ng dalawang gintong medalya buhat sa Taolu artist event ng Wushu.

Ang kanyang mga labi ay nakahimlay sa Sanctuario de San Vicente sa Tandang Sora Quezon City.

-Annie Abad