BUKOD sa blue ribbon na sumisimbolo sa kampanya laban sa child abuse, walang ibinigay na tema sa kasuotan ng mga dumalo sa ABS-CBN Ball 2018 (dating Star Magic Ball) na ginanap nitong Sabado ng gabi sa Makati Shangri-La.
Kaya bagamat sosyalan ang pagdiriwang, binigyang-diin sa event ang relaunching ng Children’s Village ng Bantay Bata 163.Si Boy Abunda ang host ng ABS-CBN Ball na pinasimulan nina Daniel Padilla at Gary Valenciano sa pag-awit ng Girl From Ipanema/LOVE. Kumanta rin sina Iñigo Pascual at Billy Crawford ng Girls Like You, sina KZ Tandingan, Janine Berdin at Yeng Constantino ng hits ni Aretha Franklin, at sina Martin Nievera, Jona, at John Arcilla ng medley ng Can You Feel The Love Tonight, Not While I’m Around, at You Raise Me Up.
Dumalo sa much awaited celebrity fashion event ang mahigit 300 ABS-CBN stars kasama ang kanilang top executives.Malayang nakapamili ng kanya-kanyang fashion and style ang mga imbitado, sa katuwaan ng fans at mga kritiko. Trending sa social media ang event.
Tulad noong mga nakaraang ball, pinakamaganda pa rin si Liza Soberano at umagaw din ng pansin si Sue Ramirez. Ang kanilang look and style ang naging paborito ng millennials sa maraming threads sa social media na aming sinundan nang gabing iyon.
Marami naman ang inokray at tinawag na halatang apektado ng financial crisis, pero hindi nakalaan para sa mga kapintasan ang item na ito.
Sa sponsored glam awards, sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino ang tinanghal na Oppo Couple of the Night. Bida ang ex-sweethearts sa box office hit ngayong Exes Baggage ng Star Cinema.Sina Erich Gonzales at Jericho Rosales naman ang napili bilang Best Dressed Male and Best Dressed Female awardees ng Metro magazine. Si Maymay Entrata naman ang hinirang bilang Belo Beautiful Star of the Night at si Chienna Filomeno ang Next Generation Star.
Agaw-pansin din ang beauty queens na sina Catriona Gray, Pia Wurtzbach, Kylie Verzosa, Nicole Cordoves, at Ariella Arida.Present ang biggest stars ng Dos na sina Bea Alonzo, Angel Locsin, Judy Ann Santos, Coco Martin, Vice Ganda, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Kim Chiu, Jodi Sta. Maria, Maja Salvador at Piolo Pascual pati na ang bankable love teams nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, Nadine Lustre at James Reid, Maymay Entrata at Edward Barber, Kisses Delavin at Donny Pangilinan, Julia Barretto at Joshua Garcia.Sinamahan sila ng ABS-CBN top guns na sina Chairman Emeritus Gabby Lopez, Chairman Mark Lopez, President/CEO Carlo Katigbak, chief content officer Charo Santos-Concio, COO for broadcast Cory Vidanes, Star Magic Head Mariole Alberto at Chairman Emeritus Johnny Manahan, at Freddie Garcia.
-DINDO M. BALARES