Palutang-lutang sa creek ang isang fetus nang matagpuan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Oscar Peralta, 45, construction worker, Tubong San Carlos City, Pangasinan, naglalakad siya sa tapat ng Ever Town House, Barangay 172, Camarin ng nasabing lungsod, dakong 8:55 ng gabi.

Pagsapit sa tapat ng creek ay napansin umano niya ang kakaibang plastic na nakalutang at kanyang dinampot hanggang sa nadiskubre ang fetus.

Agad na ipinagbigay-alam ni Peralta ang nakita sa Women’s Desk ng Barangay 172 at rumesponde.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Inaalam na kung sino ang nagtapon ng fetus.

-Orly L. Barcala