MARAMI ang nagagalak dahil masisilayan na nila ulit si Carla Abellana, dahil kasama sa cast ng seryeng Pamilya Roces ng GMA 7 ang girlfriend ni Tom Rodriguez. Naiiba ang role niya sa serye. Anak siya dito ni Roi Vinzon na may extended family. Ang mommy ni Crystal (Carla) ay si Gloria Diaz. Ang twist ay iikot sa hindi magandang pakikitungo ni Crystal sa kanyang half sister dahil magiging karibal niya ito kay Rocco Nacino.

Carla_1 copy

Masungit at temperamental ang karakter dito ni Carla na kabaligtaran ng kanyang pagkatao sa tunay na buhay. Puring-puri rin siya ng mga katrabaho at ni Direk Joel Lamangan, na siyang direktor nila, dahil sa pagiging propesyunal at pagiging mabait sa set. Ate ang tawag sa kanya ng mga bagitong talents tulad ni Jasmine Curtis Smith, na gaganap bilang anak ni Roi Vinzon sa ibang babae. Bukod sa mga nabanggit na cast, makakatrabaho rin niya rito sina Sophie Albert at Ana Roces

-Remy Umerez

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach