SA Sabado na, Setyembre 29, ang pre-finals night ng The Clash, kung saan maglalaban-laban ang top six Clashers na sina Anthony Rosaldo “Ang Matinik Na Heartthrob ng Valenzuela”; Garrett Bolden “Ang Tower of Power ng Olongapo”; Golden Canedo “Ang Golden Voice of Cebu”; Jong Madaliday “Ang Trending R&B Star ng North Cotabato”; Josh Adornado “Ang Cujte Crooner ng Cagayan de Oro”; at Mirriam Manalo, “Ang Fierce Diva ng Pampanga.”

'The Clash' top six copy

Isa sa kanilang anim ang matatanggal at ang matitira ang siyang tatanghaling limang finalist na magtutunggali sa Linggo, Setyembre 30, at upang kilalanin ang tatanghaling “The Clash Champion.”

Inamin ng The Clash panel of judges na nahihirapan silang piliin kung sino ang mananalo sa kumpetisyon dahil lahat ng contestant ay nagpapakita ng extraordinary singing skill kada linggo.

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?

Para kay Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista, nais niyang magwagi ang singer na magiging inspirasyon ng mga aspiring singers. Kay Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas naman, gusto niyang malagpasan ng tatanghaling kampeon ang X-factor at star quality na gustong makita ng mga tao. Binanggit rin ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha naman magiging mahirap ang labanan sa finals.

Sa presscon nga, natanong ang anim kung sino sa kanila ang magiging mahigpit nilang kalaban, tatlo ang napili nila, sina Garrett, Golden at ang preggy na si Mirriam. Matutuwa raw silang lahat kung kahit sino sa kanila ang manalo.

Kahit na isa lamang ang tatanghaling wagi sa show, winner pa rin silang lahat dahil ipapasok silang lahat sa musical show ng GMA na Studio 7, na magsisimula na sa Oktubre 14, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Sino kaya sa limang aspiring king and queen ang tatanggap ng one million pesos cash prize, isang Bria house and lot at isang brand new car at management contract sa GMA?

Mapapanood ang pre-finals ng The Clash sa Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto at grand finals sa Linggo, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

-NORA V. CALDERON