BIHIRANG magkaroon ng guest si Vice Ganda sa show niyang Gandang Gabi Vice na katulad ni Angelica Panganiban. Magkasama sila ni Carlo Aquino nang mag-guest sa show para i-promote ang kanilang pelikulang Excess Baggage.

Angelica

Mabilis si Angge sa pagsagot sa mga tanong ni Vice tungkol sa kanyang lovelife, na tiyak na bumenta dahil wala siyang itinago. It was a no-holds barred interview, candid at puno ng humor.

Teenager pa lamang siya nang maging karelasyon si Carlo at tatlong beses silang nag-break. Iisa ang dahilan sa lahat ng break-ups - may third party. May segment sa show kung saan kailangang magbigay ng komento ng guest sa mga larawang ipakikita sa screen. Nang time na ni Angge para mag-comment, lumabas sa screen ang mga litrato nina Zanjoe Marudo, Derek Ramsay, at John Lloyd Cruz.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Alam naman ng lahat na ex-boyrfriend ni Angge si Lloydi at inamin niyang may emotional pain pa ring naidudulot ang hiwalayan nila ni Llyodie. Matagal bago siya nakapag-move on.

“Time heals at na-realize ko ang kahalagahan ng acceptance at forgiveness. Really, I am okay na and there is no more pain. Sana ay maligaya sila. Ang mahalaga ay maging masaya ang lahat,” sabi ng aktres.

May mungkahi pa nga siyang puwede siyang maging ninang ng anak ng kontrobersyal na couple, “mabait akong ninang,” aniya.

Biro niya kay Vice, sa susunoddaw niyang pag-guest ay titiyakin niyang may kasama na siyang boyfriend at handa nang magpasakal. Nang i-flash naman ang larawan ni Maja Salvador aniya, “okey naman kami. We are friends”.

Si Maja pala ang tinutukoy niyang third party sa final break up nila ni Carlo noong panahong kulang pa ang kanilang kaalaman hinggil sa pakikipagrelasyon.

-REMY UMEREZ