ACAPULCO (AFP) – Inaresto ng militar ng Mexico ang tatlong matataas na opisyal ng pulisya sa resort city ng Acapulco nitong Martes at kinuha ang kontrol ng buong puwersa ng pulisya sa maganda ngunit magulong daungan.

Nangangamba na napasok na ng drug cartels ang Acapulco police force, nagpadala ang Mexican marines, kasama ang state at federal police, ng malaking ground at air operation sa police headquarters ng Pacific coast city, sinabi ni Guerrero state security spokesman Roberto Alvarez.

Inaresto ang dalawang police commanders sa kasong murder, at ang highway police chief sa pagdadala ng hindi lisensiyadong baril, aniya.

Idinagdag niya na iniimbestigahan si municipal security secretary Max Lorenzo Sedano at ang kanyang buong departamento.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’This decision... was a response to the increase in crime registered in the municipality and the total lack of action by the municipal police to confront the problem,’’ aniya.