PITUMPU’T pitong nangangarap na travel ambassadors - 14 na kalalakihan at 13 kababaihan – ang iprinisinta sa media para sa Mister and Miss Travel Ambassadors of the Philippines 2018 contest.
Inihayag ng mga organizer na ang mga magwawagi sa nasabing timpalak ay magiging mga travel ambassador at sila ang magpo-promote ng pag-travel bilang isang mahalaga at educational na uri ng pagliliwaliw.
“The winners hope to inspire the youth and millennials to spread positivity and a truthful voice that will rise up against the divisive and misconstrued information most especially in social media,” lahad ng opisyal ng National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) National Capital Region-North Chapter and Quezon City Tourism Council, ang mga organizer ng paligsahan, sa press presentation na ginanap sa Quezon City kamakailan.
Ang grand finals ng Mister and Miss Travel Ambassadors of the Philippines 2018 pageant ay gaganapin sa October 14, ang ikatlong araw ng Philippine Travel Show na nakatakdang isagawa sa October 12-14.
Ang mga lalaking kalahok sa pageant ay sina: Juneson Bendijo, Jonathan Joaquin, Ranier Macabare, Vandave Paragas, Ronald Angeles, Jelo Guevara, John Paul Juanillo, James Vega, Anthony Bona, Julius Lacay, Chris Gallego, Riyu Uchimura, Philip Fuertes, at Cris Domingo.
Ang mga babaeng kandidata naman ay sina: Jeanne Talania, Stephanie Magno, Rheycel Luganob, Jammel Magallano, Munerah Saleh, Agnes Tolentino, Elisa Taylor, Trizia Abaya, Diane Mag-abo, Eirrena Patricia Estudillo, Margareth Alcala, Riza Carrillo, at Maria Concepcion Malabanan.
Ayon sa mga organizer, layunin ng naturang tatlong araw na event na i-promote ang turismo, hindi lang sa Pilipinas, kundi ang paglalakbay in general, sa tinatayang 100 exhibitor sa expo. Mag-aalok din ang mga exhibitor ng tour sa may 15,000 bisita at mga sponsor sa expo.
-ROBERT R. REQUINTINA