NAKAHANDA na ang bagong musical variety show sa GMA Network na magsisimula sa October. Masaya ang naging story conference ng show na may titulong Studio 7, na ipalalabas sa primetime tuwing Linggo.
Ang bubuo sa cast ay ang mga Kapuso stars na sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Mikee Quintos, Kate Valdez at ang bagong Kapuso stars na si Rayver Cruz at twins na sina Cassy at Mavi Legaspi. Sasamahan din sila nina Gabbi Garcia at Mark Bautista.
Makikisaya rin sa show ang mga comedians na sina Super Tekla at Donita Nose. Dito ay makakasama na rin ang ilan sa mga Clashers mula sa magtatapos nang singing competition na The Clash. Tamang-tama talaga ang show para sa kanila dahil nga nasa Final 6 na ang maglalaban-laban sa Sabado, September 29, habang sa Linggo na finale night, kung saan magtutunggali ang limang contestant para tanghaling The Clash Champion.
Kaabang-abang ang ‘Open Mic’ segment ng show dahil dito ay puwedeng sumali at makisaya ang studio audience.
Mapapanood na sila simula sa Linggo, October 14, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
-Nora V. Calderon