Tinatayang aabot sa P18- bilyon halaga ng agrikultura at imprastruktura ang napinsala ng bagyong ‘Ompong’ sa Northern Luzon at sa mga karatig-lalawigan nito.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa P4.4 bilyon ang halaga ng nasira sa imprastruktura habang nasa P14.3 bilyon naman sa agrikultura.

Partikular na tinukoy nito ang Regions 1, 2, 3, 4, 5, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Naapektuhan din ng bagyo ang 171,932 magsasaka sa CAR habang aabot sa 117,685 kabahayan ang nawasak sa apat na rehiyon sa bansa.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Bukod dito, aabot naman sa 2.1 milyong katao ang naapektuhan ng bagyo, o katumbas ng mahigit kalahating milyong pamilya.

-Beth Camia