June 04, 2026

Home BALITA National

De Lima vs 18 ex-Marines: 'Uulitin ko... wala akong tinatanggap na pera!'

De Lima vs 18 ex-Marines: 'Uulitin ko... wala akong tinatanggap na pera!'
Photo courtesy: File Photo, Levito Baligod (FB)

Muling pinabulaanan ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang alegasyon ng mga nagpakilalang miyembro ng Philippine Marines na nakatanggap umano siya ng maleta sa mga ito.

Matatandaang nagsampa na ng mga kaso si De Lima at ang 2025 Ramon Magsaysay Award awardee na Fr. Flavie Villanueva sa National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) noong Marso 9, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: Rep. De Lima, Fr. Flavie Villanueva nagsampa ng kaso sa NBI vs 18 ex-marines!

Samantala, muling nabanggit ang pangalan ni De Lima, Villanueva, at iba pang mga kasalukuyan at dating mambabatas sa Kamara sa joint affidavit ng 18 ex-Marines sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes, Hunyo 4.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang mga dati, kasalukuyang kongresista, napadalhan umano ng male-maletang pera!

National

Karton ni VP Sara, bida sa kinasang b-day celebration niya ng mga DDS sa US

Sa naging pahayag naman ni De Lima sa kaniyang social media post, partikular sa kaniyang Facebook page, nito ring Huwebes, idiniin niyang wala raw siyang kahit anong natatanggap na pera na nakalagay sa maleta, paper bag, o maging sa kahit anong bagay. 

“I  have already responded to these blatant lies and filed libel/cyberlibel [complaints] before the NBI and perjury [complaints] before the DOJ,” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa FB post ni De Lima. 

Dagdag pa niya, “Uulitin ko: Whether sa maleta, sa paper bag o anuman yan, wala akong tinatanggap na pera.” 

Pagpapatuloy ni De Lima, hindi na raw nakakapagtaka kung nagkakabuhol-buhol ang mga kuwento at paratang na binabato sa kaniya dahil malinaw daw na kasinungalingan lang ang mga ito. 

“Hindi na rin nakapagtataka na nagkakabuhol-buhol ang kwento at paratang sa akin dahil imbento lang ang mga pinagsasabi nila — kasinungalingan na inulit lang sa isang kwestyonableng hearing sa Senado,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Lahat na lang may maleta... e 'di kayo na!' Rep. Ridon, tumirada sa 18 ex-Marines