KAHIT binabasa lang ang Facebook post ni Jenine Desiderio ay mararamdaman ang saya nito sa pagdating ng anak niyang si Janella Salvador sa birthday party niya nitong Linggo.

Jenine, Janella at kapatid copy

Nag-post si Jenine ng ilang pictures na kuha sa birthday party niya, na dinaluhan ni Janella at ng bunsong anak niya.

“A very happy birthday to me! The best birthday gift i received is having my daughter back. Dun pa lang quota na ko. But God is so generous that he also restored some friendships i lost in the recent years. My God is amazing! Thank you for all your bdy greetings & wishes! I am blessed to have all of you in my life,” caption ni Jenine sa post.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May kasunod ding post si Jenine na pasasalamat niya sa lahat ng dumalo sa party niya.

“Thank you very much to everyone whose presence, efforts and contributions made my day both meaningful & memorable! #family.”

Nakangiti ang tatlo sa photos at kitang-kita ang saya nila. Positive rin ang comments ng followers ni Jenine.

Wish nila, sana ay magtuluy-tuloy na ang magandang relasyon nina Jenine at Janella at sana ay hindi na sila magkaroon ng away.

Curious lang ang netizens kung nakuwento ni Janella sa ina kung sino ang may gawa ng mga pasa niya sa kanang braso.

-Nitz Miralles