COMMENT ng netizens, parang mas mahal ni Paolo Contis si LJ Reyes than the other way around. Ang DP daw kasi ni Paolo sa kanyang Instagram ay photo nila ni LJ. Samantalang si LJ ay solo picture niya ang DP.

Paolo at LJ copy

Nababasa rin ang posts ni Paolo na hayagang nagpapahayag ng pagmamahal kay LJ.

Isang halimbawa ng post ni Paolo: “It feels like heaven whenever I see you this happy! I love you so much my beautiful buntit!!... walang punchline ‘tong post na to. Huwag na kayo maghintay! Nagpapa-sweet lang ako!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Una nang nag-post si Paolo tungkol sa baby girl nila ni LJ: “We finally found out the gender of #BabyContis2019. We can’t wait to see you anak!”

Ang maganda pa, ‘tila sasamahan ni Paolo si LJ sa mga event nito na may kinalaman sa paghahanda sa pagdating ng kanilang baby. Sinamahan ni Paolo si LJ sa pa-event ng Aprica, na gumagawa ng baby stroller.

Sa January 2019 ang due date ni LJ, kaya marami pa tayong update na mababasa tungkol sa pagbubuntis ni LJ courtesy of Paolo.

-Nitz Miralles