Aabot na ngayon sa 42 ang nasawi sa landslide sa Barangays Tina-an at Naalad sa Naga City, Cebu, ayon kay Naga City acting police chief, Chief Insp. Roderick Gonzales.

DANGER ZONE Nangangahas pa ring manatili sa kanilang bahay ang ilang residente sa Bgy. Tina-an sa Naga City, Cebu, sa kabila ng nangyaring landslide sa lugar nitong Huwebes. (JUAN CARLO DE VELA)

DANGER ZONE Nangangahas pa ring manatili sa kanilang bahay ang ilang residente sa Bgy. Tina-an sa Naga City, Cebu, sa kabila ng nangyaring landslide sa lugar nitong Huwebes. (JUAN CARLO DE VELA)

Binanggit ni Gonzales na resulta ito ng pinag-ibayo pang retrieval operations ng iba’t ibang tauhan ng mga ahensiya ng pamahalaan.

“Some of the cadavers recovered were children. The search and rescue operations continue,” ayon kay Gonzales.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Isa, aniya, sa 42 nasawi sa trahedya ang hindi pa rin nakikilala.

Sa datos naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot na sa 57 ang naitalang nawawala hanggang kahapon.

Nilinaw ni Gonzales na pawang nasa loob ng kani-kanilang bahay ang mga natabunang residente nang mangyari ang landslide.

Kabilang sa mga nasawi sina Althea Siton, 4; Olivia Meneses Moral, 63; Annabel Lobiano, 40; Romeo Jabonilia, 40; Francisco Yapac, 60; Michael Versales, 16; Mark Laurence Campanilla, 3; Bianca Versales, 19; Raul Gepuit, 47; Laura Capoy, 52 anyos.

Patay din ang dalawang sanggol na babae mula sa pamilya Campanilla; sina Nina Siton, 8; Crystal Jean Siton; Joseph Tolentino, 47; Juanito Siton; Emeliana Siton, 85; Jocelyn Siton; at Aracelle Lobiano, 49 anyos.

Kasama rin sa mga nasawi sina Lance Noah Lobiano, 7; Jemuel Campanilla, 12; Jazwel Campanilla, 8; Lemuel Campanilla, 33; Jenessa Campanilla, 32; Marcelina Campanilla, 52; Franz Laurence Campanilla, 10; Zeny Campanilla, 24; Lauro Campanilla, 55; Lexter Campanilla; Lauren "Oyen" Capoy; Leo Campanilla; Susan Aguanta; at Felipa Merly Baclaan, 54 anyos.

Matatandaang gumuho ang bahagi ng bundok sa nasabing mga lugar sa kasagsagan ng pag-ulan na ikinabaon ng mga residente na noo’y natutulog pa sa kanilang bahay, umaga ng Setyembre 20.

-Aaron Recuenco