THREE weeks lang pala sa bansa si KC Concepcion at babalik din agad siya sa piling ng boyfriend niyang s i Pierre- Emmanuel Plassart sa France. May post kasi si KC na, “I’m flying back to the Philippines for 3 weeks.”

KC copy

Umuwi lang ng Pilipinas si KC para manood ng concert ng mom niyang si Sharon Cuneta sa Smart Araneta Coliseum sa September 28. Tuwang-tuwa si Sharon sa pag-uwi ni KC dahil kumpleto raw ang mga anak niya sa kanyang Sharon My 40 Years concert.

Medyo disappointed lang ang followers ni KC dahil hindi nito kasama ang BF sa pagbalik niya ng Pilipinas. Hoping pa naman sila na kasama niya si PEP (tawag sa BF ni KC) sa pag-uwi rito sa bansa at sabay silang manonood ng concert ng ina.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

A n y w a y , yayamanin palang talaga ang pamilya ni PEP. May nag-post ng aerial drone shot ng property ng mga Plassart sa France kung nakatayo ang kanilang castle. Ang lawak ng property at ang laki ng kastilyo, may bahagi ng property na puro puno, kaya pala nag-i-enjoy si KC doon.

May mga nega pa rin sa pananatili ni KC sa piling ng BF, pero mas marami ang masaya para sa kanya na mukhang natagpuan na si Mr. Right. Naghihintay na ang fans ni KC ng announcement kung kailan ang kasal nila ni PEP

-NITZ MIRALLES