ONITSHA, Nigeria (Reuters) – Labindalawang crew members ng isang Swiss merchant vessel ang dinukot ng mga pirata sa baybayin ng Nigeria, kabilang ang pitong Pilipino, sinabi ng isang maritime agency nitong Linggo.

Dinukot sila noong Sabado mula sa barko na naglalayag sa pagitan ng mga lungsod ng Lagos at Port Harcourt. Sinabi ng operator ng barko na nangyari ang pag-atake may 45 nautical miles sa timog kanluran ng Bonny Island.

Karaniwang suliranin ang kidnapping for ransom sa bahaging ito ng Nigeria. Ilang banyagan na ang dinukot sa mga nakalipas na taon sa katimugan ng Niger Delta region, na pinagmumulan ng karamihan ng langis na pangunahing sandalan ng ekonomiya ng mga bansa sa West Africa.

Sinabi ni Sunday Umoren mula sa Nigerian Maritime Administration and Safety Agency (NIMASA) na pito sa mga dinukot ay nagmula sa Pilipinas at tig-isa mula sa Slovenia, Ukraine, Romania, Croatia, at Bosnia.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“They are still missing,” ani Umoren, namumuno sa maritime safety sa NIMASA.

Tumaas ang bilang ng seafarers na binihag sa Gulf of Guineau – ang rehiyon kung saan nangyari ang pag-atake – mula 52 noong 2016 sa 75 nitong nakaraang taon, inilahad ni Jake Longworth, senior analyst sa EOS Risk Group, sa ulat na inilathala nitong Hulyo.

Sinabi niya na kahit magkatulad ang bilang mga mga taong dinukot ay sa loob ng dalawang taon, karaniwa sa mga pirata na kumuha pa ng mas maraming bihag sa bawat pag-atake. Ayon kay Longworth, 35 seafarers ang dinukot para sa ransom sa rehiyon sa unang bahagi ng 2018.