Laro Ngayon

(Passi City,Iloilo)

5:00 n.h. -- TNT vs Rain or Shine

MAGBAGO kaya ang kapalaran ng TNT Katropa sa pagdating ng kanilang ikatlong import sa katauhan ni dating Best Import Marqus Blakely?

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang katanungang sisimulang bigyan ng kasagutan sa pagsalang ng TNT ngayong hapon kontra magsisimula pa lamang ng kanilang kampanya sa season ending PBA Governors Cup na Rain or Shine.

Magtutuos ang Katropa at ang Elasto Painters ganap na 5:00 ng hapon sa isang out of town game na idaraos sa Passi City sa Iloilo.

Sa pagdating ni Blakely na naging matagumpay sa kanyang stint bilang dating resident import ng Purefoods franchise, inaasahang matutulungan nitong umangat ang Katropa na kasalukuyang nasa ikawalong puwesto sa team standings hawak ang markang 2-4.

“He’s not our savior. He will just help us, so we must help him, too, be effective. So yun ang bottomline,” pahayag ni TNT coach Eric Gonzales.

-Marivic Awitan