AKALA ng mga tao porket sikat at mayaman ang mga artista ay hindi na sila dumadaing sa pagtaas ng presyo ng bilihin at gasolina.
Gaya ng sikat na tandem na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, bagamat alam nating secured na ang kanilang buhay kahit pa tumanda, still, pinag-aaralan nila ang tamang paggastos at pagtitipid.
Ibinagi ni Kathryn ang paraan niya ng pagtitipid, at aniya, “Ako personally nagtitipid din dahil hindi joke ngayon like gasolina. Si Mama grabe siya magpaalala. So basta tamang balanse lang. Hindi ‘yung ide-deprive mo ‘yung sarili mo,” sabi ni Kathryn.
“Siguro doblehin lang natin ‘yung before buying anything, isipin mo kung kailangan mo ba, kasi iba ngayon, eh. Minsan kailangan din kami papalahanan ni Mama kasi hindi mo naisip ‘yun lalo na kung bata ka, eh. So kailangan mo ng tamang guidance”.
Sey naman ni Daniel, masuwerte daw sila dahil naririyan ang kanilang mga magulang para gabayan sila sa pagha-handle ng kanilang pera.
“Nasa pag-manage ng ermat ‘yun eh. ‘Yung mga ermat namin magagaling. So si Kathryn siya yung tagapigil sa akin, ‘Kailangan mo ba talaga yan?’ So iisipin ko, ‘Hindi ko na kailangan ito. Masyadong mahal,” ani Daniel.
Ramdam man ang inflation o pagsadsad ng piso kontra dolyar, DJ (palayaw sa aktor) likes to enjoy the fruits of his hard work.
“Normal naman ang pagtitipid. Lahat naman tayo, ‘kapag hindi tayo mga bilyonaryo, kailangan talaga natin magtipid dahil ang pera ay mabilis lang ‘yan. Pero at the same time, you enjoy your money. ‘Yun lang din para sa akin, tamang balanse.
“Ako kasi bilang tao hindi ako masyado ganun katipid. I enjoy these material things, this money, these illusions. But you have to balance it kasi siyempre hindi ka naman selfish eh. Para andiyan ‘yung pamilya mo. Kung may sobra, eh ‘di, rock and roll. Ganu’n lang,” paliwanag pa ni Daniel.
-ADOR SALUTA