POSITIVE ang comments sa pagka-cameo ni Jennylyn Mercado sa MMFF entry ng Quantum Films na The Girl in the Orange Dress. May konting isyu nga lang ang pagka-cameo niya dahil ang present girlfriend ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano na si Jessy Mendiola ang leading lady sa movie.

Jennylyn at Jericho copy

Pumayag pa ring mag-cameo ang aktres kaya todo ang pasasalamat ng producer ng pelikula na si Atty. Joji Alonso sa kanya, “With much gratitude to @mercadojenny!!! Maraming maraming salamat,” post niya sa kanyang social media account.

Ang nakita namin sa BTS ng shooting ni Jennylyn ay si Jericho Rosales ang kasama niya sa eksena. Ayan tuloy, na-miss sila ng netizens at nagre-request na bigyan uli sila ng pelikula. Matatandaang sila ang mga bida sa 2015 MMFF entry ng Quantum Films na Walang Forever.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May cameo rin sa The Girl in the Orange Dress si Luis at sa na-post na picture, kasama ni Luis si Jerico. Nagpasalamat din si Atty. Joji kay Luis at aniya, “My, my, aren’t we LUCKY indeed!!! Maraming maraming salamat @luckymanzano.”

Magkaibang araw kinunan ang shooting nina Luis at Jennylyn, kaya hindi sila nagkita at kahit magkita pa, wala nang isyu sa dalawa. Matagal na silang nakapag-move on pareho at masaya na sa kanya-kanyang love life.

Samantala, maganda rin ang feedback sa teaser trailer ng The Girl in the Orange Dress na nagkaroon ng online launch noong August 27.

Fake news pala ang lumabas na aalis sa GMA-7 si Jennylyn at lilipat sa ABS-CBN dahil lang nakita ang aktres sa premiere night ng The How’s Of Us at isa pang event ng network. May kontrata pa siya sa Kapuso Network at may sisimulang bagong teleserye.

-NITZ MIRALLES