MARAMING nag-abang sa airing ng Playhouse nina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban dahil ultimong mga artista ay kinongratuleyt ang dalawa sa pilot episode nila.

Angelica at Zanjoe copy

Nakakatawa kasi at hindi maitatatwang may chemistry talaga sina Zanjoe at Angelica. Bakit ngayon lang sila pinagsama as partners? Mukhang okay din siguro kung ginawan sila ng pelikula noon.

Nagkaroon ng malawakang black out sa Northern Luzon kaya apektado sa ratings game ang mga programa ng ABS-CBN at GMA 7 pero naungusan pa rin ng Play House ang katapat nitong programa, 13.6% vs 9.5% ang ratings base sa Kantar Media survey.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Anyway, binasa namin ang lahat ng komento sa show at halos iisa ang sinasabi ng netizens na may bago na naman silang aabangang programa habang nagluluto ng pananghalian.

Narito ang ilan: “Nakakakilig, ang guwapo ni Z. Congrats for this show. I am positive that this show will eventually become a habit nationwide. By the way Kisses is really something. I love MarTy (Marlon at Patty).”

“’Yung tawang-tawa ka sa pagkanta ni Angelica ng Mahal pa rin kita pero ba’t naiyak ka pa rin at na-feel mo siya. Haha! Ang gwapoooooo ni Zanjoe. Kakileeeeeeeg! Ang kyoooot ni Kisses. #MarTy hehehe! Kelan labas ng #ZekShie. Wooo. Tawa Iyak ka lang. Kabaliw :))”

Nanood din ng show si Sylvia Sanchez at kinunan niya ng litrato ang eksenang magkasama sina Angelica at Smokey Manaloto, sabay post sa kanyang Facebook page.

“Masaya ako at kayong dalawa ang magkasama na mapapanood ko tuwing umaga ang babaeng gandang-ganda ako sa mukha at napakagaling umarte na naging anak ko sa ‘Pangako Sa ‘Yo’ @iamangelicap at ang aking pinakamamahal na kapatid na si @smokey_manaloto. Ang galing n’yo, ang sarap nyong panoorin good vibes lang. Ang ganda ng timing katuwa!!! Mukhang may kaagaw na ngayon mokey si Art (asawa ng aktres) sa TV tuwing umaga ahahaha goodluck husband. #abscbn #gmounit #family #happiness #goodvibes #feelgood #kapamilyagold. Masayang teleserye ito!!!”

Pero mukhang may problema sa signal ng TV Plus dahil nagrereklamo ang isang viewer na si Ms. Mayet Pangilinan, “Tv plus ayusin n’yo na po signal n’yo para mapanood ko na to sa malaking TV. Tagal ko to hinintay tapos d ko lang mapapanood.”

Oo nga, minsan wala ring signal ang TV Plus sa Cubao area.

-Reggee Bonoan