Tahasang sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na “disappointed” si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. nang mapag-alaman nitong wala na sa kustodiya ng Czech Republic si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Kasunod ito ng kumpirmasyon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Fredderick Vida na wala na umano si Zaldy Co sa nabanggit na bansa.
“I have to share difficult news mga kababayan, the Czech authorities have confirmed to us that Mr. Zaldy Co is no longer in their custody,” saad ni Vida sa isang press briefing sa Philippine Embassy sa Prague nitong Martes, Abril 28.
“Nakausap po mismo natin ang Pangulo ngayong araw… at sinabi niya na disappointed siya dahil malapit na sana nating napauwi si Zaldy Co,” saad naman ni Usec. Castro sa press briefing ng PCO nito ring Martes, Abril 28.
“But since mayroon nga pong ibang bansang involved, at ang lumalabas lamang po na kaniyang na-violate ay ang paggamit ng invalid documentation, so ang bansang Czech Republic po ang siyang mag-uutos kung anong gagawin kay Zaldy Co,” dagdag pa niya.
Batay sa huling impormasyon patungkol kay Co, umaapela raw si Co ng isang political asylum sa bansang France.
MAKI-BALITA: Zaldo Co, umapela ng political asylum sa France—Palasyo