MASAYA ang gender reveal party nina LJ Reyes at Paolo Contis para i-announce ang gender ng baby nila. Napanood namin ang video sa gender reveal, na may hashtag na #BabyContis2019. Ibig sabihin, sa 2019 ang stork date ni LJ.

Paolo and LJ copy

Mapapanood din sa video ang pagtalon ni LJ nang lumabas ang pink confetti nang i-pull niya ang gold star, na ang laman ay pink confetti. Nagulat ang mga nakapanood, at nag-alala para sa baby ng aktres.

Present din ang anak ni LJ na si Aki sa nasabing party, at alam na niyang baby girl ang ipinagbubuntis ng ina. All smiles si Aki sa nangyayari sa paligid niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tanong lang? Nasabi na kaya ni Paolo sa dalawa niyang anak sa ex-wife na magkakaroon na sila ng baby sister? Nabanggit kasi ni Paolo sa interview na pupunta siya sa Cebu para siya ang personal na magsabi sa mga anak na magkakaroon na sila ng kapatid.

-Nitz Miralles