BACK to work na ulit si Kris Aquino pagkatapos ng mahigit dalawang linggong bakasyon niya sa ibang bansa kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby bukod sa KCA staff.

Ipina-block muna ni Kris ang mga petsang Setyembre 22 (Sabado) dahil manonood siya ng My Greatest Moments 15th anniversary concert ni Erik Santos sa MOA Arena, at si Sharon Cuneta naman para sa My 40 Years concert nito sa Smart Araneta Coliseum sa Setyembre 28.

Caption ni Kris sa ipinost niyang video ng selected albums nina Erik at Sharon: “(Edited this video, thanks Abbie & Ernan for the additional visuals.) I’m getting ready to go to my TVC shoot, back to work. (We fixed my calendar so I’d have maximum 10-hour work days w/ a day off after every 4 days of work.)

“BUT, I specifically asked for Saturday, September 22, and Friday, September 28 to be blocked off. @alvingagui bought tickets for us to be able to watch @eriksantos 15th anniversary concert & @reallysharoncuneta’s 40th anniversary concert.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

“Very proud to be able to support both of them! I’m not allowed to mention what I’m shooting today BUT I hope they realize how grateful I am they waited 3 weeks for me to be HEALTHY for me to be at my best. Their patience, support, and understanding is much appreciated!”

Kung tama ang pagkakatanda namin ay hindi basta nanonood ng show si Kris, pero dahil sobrang love niya sina Erik at Sharon kaya kaagad siyang nagpabili ng tickets para suportahan ang dalawa.

Samantala, ang bagong brand partner ni Kris na Snail White Whipp Soap mula sa Thailand ang kasalukuyang pinag-uusapan ngayon ng netizens, dahil simula nang i-post ito ng Queen of Online World at Social Media ay kaliwa’t kanan na ang pag-order nila sa online at kasama na kami roon na talagang nag-panic buying pa dahil sa balitang nagkakaubusan na ito, na kaagad namang naresolba.

As of now ay available ang nasabing produkto sa online, tulad ng Shopee at Lazada.

-Reggee Bonoan