MAGHAHARAP sina IBF No. 4 at dating world champion Lee Haskins ng United Kingdom at IBF No. 5 Kenny Demecillo ng Pilipinas para sa karapatang hamunin ang magwawagi kina IBF bantamweight champion Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico at No. 3 contender Jason Moloney ng Australia sa Oktubre 20 sa Orlando, Florida sa United States.

Magsasagupa sina Haskins at Demecillo sa 12-round na sagupaan bilang undercard ng laban nina No.1 contender Felix Alvarado ng Nicaragua at No. 2 ranked Randy Petalcorin ng Pilipinas para sa bakanteng IBF light flyweight title sa Oktubre 21 sa Maynila.

Para kay Demecillo, ito ang hinihintay niyang pagkakataon upang maging world champion makaraang patulugin ang dating walang talong si Russian Vyacheslav Mirzaev sa 5th round nitong Marso 17 sa Anapa, Russia para pumasok sa IBF rankings.

May kartadang 14-4-2 na may panalo sa knockouts, pinakamatinding karibal ni Demecillo si Haskins na dating IBF bantamweight champion at may kartadang 35 panalo, 4 na talo na may 14 pagwawagi sa knockouts.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

“Sean Gibbons and Joe Ramos are doing outstanding work for Demecillo and other Filipino boxers putting together a world class fights like this one, fights that open doors,” sabi ng promoter a si Peter Maniatis sa Philboxing.com.

“I’d say that I like the chances of Demecillo in this fight against Lee Haskins. Because Haskins is a strong man and a proven world class fighter. But i think Demecillo is on the way up and Goddess Victory is knocking on his door,” ayon kay Maniatis.

Gilbert Espeña