Naghain ng resolusyon sa Kamara si Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima kaugnay sa hangarin niyang muling maging miyembro ng International Criminal Court (ICC) ang Pilipinas.
Matatandaang opisyal na binuwag ng Pilipinas ang pagiging miyembro nito sa ICC noong Marso 17, 2019, eksaktong isang taong ang nakalipas nang sumulat si dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagkalas ng bansa sa United Nations noong Marso 17, 2028.
Sa naging pahayag naman ni De Lima sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Hunyo 6, 2026, sinabi niyang marapat daw na bumalik sa pagiging miyembro ng ICC ang Pilipinas para sa rule of law, hustisya, at pananagutan.
“For the rule of law, justice, and accountability, the Philippines must rejoin the ICC,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa FB post ni De Lima.
Ani De Lima, nananawagan daw siya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at sa Department of Foreign Affairs (DFA) na iproseso ang pagiging miyembro ulit ng bansa sa ICC kaugnay sa inihain niyang House Resolution No. 1056 si Kamara.
“Under our proposed House Resolution No. 1056, we call on the President, through the DFA, to initiate the process of restoring the Philippines’ membership in the International Criminal Court, in accordance with the Constitution and applicable laws,” aniya.
Pagpapatuloy ni De Lima, higit na kailangan daw ng bansa na magkaroon ng mekanismo para panagutin ang mga pasimuno sa karumal-dumal na krimen at upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at pamilyang maiiwanan ng mga ito.
“Kailangan nating patatagin ang mga mekanismo ng pagpapanagot sa mga nasa likod ng mga karumal-dumal na krimen, at tiyakin na makakamit ng mga biktima at ng kanilang pamilya ang hustisya,” pagtatapos niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag o tugon ang Pangulo maging ang DFA kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: De Lima vs 18 ex-Marines: 'Uulitin ko... wala akong tinatanggap na pera!'