WALANG bahid ng lungkot ang mga anak ni Sunshine Cruz na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Francheska nang ibalita sa kanila ng ina na aprubado na ng korte ang annulment case na nai-file ng aktres laban sa dating asawang si Cesar Montano. Taong 2014 nang mag-file ng annulment si Sunshine, isang taon bago sila maghiwalay.

Sunshine copy

Sa panayam sa tatlong dalagita, sinabi nila sa PEP na happy sila para sa kanilang mom, at magiging start na rin ito ng moving on ng aktres.

Sa kanyang Instagram, Sunshine posted a typography that says: “Lord, thank you for giving me a new day. For the blessings that you have prepared, you do wonderful things thank you for all your love,” at may caption na: “This day I will never forget. 9-18-08 thank YOU #NewBeginnings #NewChapter #Grateful.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ang lawyer ni Sunshine ang agad na nagparating ng magandang balita sa mag-iina.

-ADOR V. SALUTA