Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

2:00 n.h. -- UE vs Adamson

4:00 n.h. - La Salle vs NU

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

TARGET ng National University na masundan ang matikas na opening debut ng UAAP Season 81 sa pakikipagtuos sa La Salle sa pagpapatuloy ng first round elimination sa men’s basketball championship sa MOA Arena.

Unang sasabak ang Adamson Falcons na ginulat ang defending champion Ateneo de Manila sa una nilang laban sa iskor na 74-70 kontra University of the East Red Warriors ngayong 2:00 ng hapon.

Susunod naman ang Bulldogs sa tampok na laban ganap na 4:00 ng hapon kontra De La Salle University Green Archers.

Matapos padapain ang Blue Eagles, inaasahang muling mapapalaban ng husto ang Falcons kontra Red Warriors na siguradong magkukumahog bumangon sa opening day na kabiguan nila sa kamay ng University of the Philippines.

Bagama’t malaking pagkakaiba sa Blue Eagles na pre-season favorite, inaasahan ni Falcons coach Franz Pumaren na hindi mag-iiba ang trato ng kanyang mga players sa Red Warriors na kasalukuyang nasa “rebuilding process” sa ilalim ng bagong coach na si Joe Silva.

“There should be no room for complacency,” pahayag ni Pumaren.

Nagwagi naman sa opening kontra University of Santo Tomas, inaasahan ng Bulldogs ang mas matinding laban kontra Green Archers sa ikalawang laban dahil tiyak namang magkukumahog bumawi ang huli sa natamong kabiguan sa kamay ng Far Eastern University sa una nilang laro.

-Marivic Awitan