SUMAGOT si Dingdong Dantes sa post ni Ogie Diaz sa Facebook na, “Will support Jose Sixto Gonzales Dantes III for senator!” Maiksi at diretso ang sagot ni Dingdong na, “Salamat sa tiwala, Ogie. Pero hindi po ako tatakbong senador.”

Dingdong copy

Ginantihan naman ito ni Ogie ng, “Ay, sad naman.”

Kamakailan ay napasama ang pangalan ni Dingdong sa line up ng possible senatoriables ng opposition para sa 2019 midterm elections. Isa si Dingdong sa mga taga-showbiz na kasama sa line up na kinabibilangan din nina Jim Paredes, Agot Isidro at Leah Navarro.

Pelikula

FL Liza Marcos, ilang senador dumalo sa VIP screening ng 'Hello, Love, Again'

May mga nam-bash kay Dingdong dahil dapat daw kung papasok siya sa pulitika ay magsimula muna siya sa mababang posisyon. Naging personal na din ang pamba-bash kay Dingdong dahil ayaw nilang maging senador ito.

Sa sagot ni Dingdong kay Ogie ay nasayang lamang ang galit ng mga nag-akalang tatakbong senador ang aktor, dahil malinaw niyang itinangging papasok siya sa pulitika. Ngunit hindi naman nawawala ang iilan na umaasang kakandidato si Dingdong sa 2019 election, pero hindi bilang senador.

Kaya, sabay-sabay na lang tayong maghintay kung magpa-file ba ng candidacy si Dingdong sa October at sa kung anong posisyon.

Samantala, nagte-taping na si Dingdong para sa Cain at Abel ng GMA-7, na pagbibidahan nila ni Dennis Trillo. Nasgimula na rin daw ang shooting ng MMFF movie nila, kasama sina Vice Ganda at Richard Gutierrez, hindi lang nababalita.

-NITZ MIRALLES