Isang lalaki ang sinaksak at napatay ng sarili niyang tiyuhin matapos silang magtalo sa loob ng bahay ng suspek sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Andy Napucao, 47, habang ang biktima ay si Michael Aspe, 29, kapwa residente ng Barangay Apolonio Samson, Quezon City.

Kinumpirma ni PO2 Remcel Jugarap na pamangkin ni Napucao si Aspe.

Ayon sa pulisya, bandang 8:00 ng gabi nang nagtalo ang magtiyuhin hanggang sa magtungo sa kusina si Napucao at nang magbalik ay sinaksak sa kanang dibdib si Aspe gamit ang kitchen knife.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Isinugod sa Quezon City General Hospital si Aspe pero binawian din ng buhay.

Inaresto ng Barangay Peace and Security Officers (BPSO) si Napucao at nabawi rito ang 10-pulgadang kultsilyo na ginamit sa pagpatay sa pamangkin.

-Jhon Aldrin Casinas