MAGPA-PILOT na sa October 8 ang bagong primetime teleserye ng GMA-7, ang Pamilya Roces, kung saan kasama sa cast si Jasmine Curtis na gaganap bilang si Pearl Roces. Kundi kami nagkakamali, ang karakter ni Jasmine ang isa sa mga anak ni Gloria Diaz at kapatid nina Carla Abellana, Shaira Diaz, Sophie Albert at Gabbi Garcia.

Jasmine copy

First project ito ni Jasmine sa GMA-7 ang naturang drama serye sa direksyon ni Joel Lamangan. Nasunod ang request ni Jasmine sa network na isama siya sa cast ng drama serye dahil puro drama nga naman ang magaganap sa Pamilya Roces.

Noon ay naging kontrobersyal ang pagpirma ni Jasmine ng kontrata sa Kapuso Network dahil inakala ng fans na sa Victor Magtanggol siya ilalagay at isa sa leading ladies ni Alden Richards. Agad ‘yung itinanggi at nilinaw ni Jasmine at heto nga, napatunayang nagsasabi siya ng totoo.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Samantala, sa presscon, inmain ni Jasmine na sinabi niya sa kapatid na si Anne Curtis na dumanas siya ng depresyon, at tinulungan naman siya ng ate niya para malagpasan ang stage na ‘yun.

Sa endorsement niya sa isang brand ng shampoo, ay nakonek ni Jasmine ang depresyon na pinagdaanan.

“In life, everyone has their own fair share of struggles may it be our self insecurities, career opportunities, differences in progress, life goals... so many more. What really got me to become #StrongerNow amidst all those things were my trust in myself and in the honest truth of life. You should never let anyone dictate who and what you are or could be. From being belittled and insecure about who I am, I’ve definitely become stronger and empowered in who I’m slowly becoming.”

Siguradong malaki rin ang naitulong ng boyfriend niya ng si Jeff Ortega para malagpasan niya ang naramdamang depresyon.

-Nitz Miralles