KAY Sharon Cuneta unang nakumpirma na may kastilyo pala sa France ang boyfriend ng anak niyang si KC Concepcion na si Pierre-Emmanuel Plassart. Sa series of photos na ipinost kamakailan ni KC, masisilip ang ilang parte ng castle ng pamilya ng kanyang boyfriend.

KC copy

Hindi man tuwirang sinabi na nasa castle siya nina Pierre, mahahalata ito sa photos at caption ni KC.

Gaya na lang ng caption niya habang nasa labas siya ng castle.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I’ve never felt so at home in a 600-year old house until now. A house, no matter how big or how old, how small or how new becomes a HOME when filled with love, laughter, family get togetherness, conversations, jokes, home cooked meals, great wine & just happy memories all around. Don’t you agree?”

Sa photo naman nina KC at Pierre na nasa labas pa rin ng castle habang magkayakap, nag-caption si KC: “Hey you came back to me, unexpectedly, this is crazy.”

Masaya ang mga nagmamahal kay KC sa relasyon niya kay Pierre, at umaasa silang sa kasalan na ito magtatapos.

Si Lea Salonga nga ay nag-post ng “I expect a save the date in the mail. Thanks.”

May mga advance nang nag-iisip at nagwi-wish na sana sumama kay KC si Pierre pabalik ng Pilipinas para manood ng concert ni Sharon sa September 28.

-Nitz Miralles