Nakatakdang sipain palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang No. 1 most wanted criminal sa mga awtoridad ng Taipei dahil sa pagpatay, pagpira-piraso at pagtapon sa ilog sa katawan ng isang gurong Canadian.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na si Oren Shlomo Mayer, 37-anyos, ay nakakulong ngayon sa BI Detention Center sa Bicutan matapos maaresto noong Setyembre 6 sa Cainta, Rizal ng mga elemento ng BI Fugitive Search Unit (FSU) at mga tauhan ng Philippine National Police, Intelligence Group, National Capital Region.

Ani Morente, ide-deport si Mayer sa Taiwan upang harapin ang kasong pagpatay sa 43- anyos na na si Sanjay Ryan Ramgahan noong Agosto 21. Tumakas siya patungong Manila noong Agosto 25, apat na araw matapos ang krimen.

-Mina Navarro

Rufa Mae sa kabila ng mga kinahaharap na intriga: 'Kaya pa!'