MULING nagningning ang ganda ng mga Pilipino sa mundo ng beauty pageant matapos koronahan ang 25-anyos na Pinay fashion model/vlogger bilang unang Miss Tourism Worldwide, sa Batam, Indonesia nitong Linggo.

zara copy

Dinaig ni Zara Carbonell, panganay na anak ng dating aktor na si Cris Villanueva at ng dating fashion model-turned-businesswoman na si Zharine Marie Carbonell, ang nasa 22 kandidata ng iba’t ibang bansa sa patimpalak na nagsusulong ng turismo at cultural exchange.

“We won! Thank you so much to those who have been supporting me. Philippines this one’s for you,” post ni Zara sa kanyang social media account matapos niyang masungkit ang titulo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bukod sa titulo, nakuha rin ng 25-anyos na beauty queen ang Special Queen Ambassadress, Miss Social Media at 2nd Best in Talent awards sa kompetisyon.

First runner-up sa pageant ang Thailand, South Africa ang 2nd runner-up, France ang 3rd runner-up, at Siberia ang 4th runner-up.

Nagtapos ng Organizational Communication sa De La Salle University –Taft sa Maynila, hilig ni Zara ang soccer, Muay Thai at boxing, bagamat aminado siya na pangarap niya ang maging beauty queen. Lumabas na rin ang dalaga sa ilang TV commercials at teleserye.

Una nang sumabak si Zara sa Miss World Philippines 2017, pumuwesto siyang second runner-up, at dito na niya sinimulan ang kanyang adbokasiya para sa self-awareness.

“I’ve already met with National Youth Commission and we are planing to collaborate on my advocacy. We are planning to start school tours for this project,” sabi ni Zara.

Inaasahang darating siya sa bansa sa Sabado, Setyembre 15.

-ROBERT R. REQUINTINA