ANG Abay Babes ang first directorial job ni Don Cuaresma para sa Viva Film, at thankful siya sa tiwalang ibinigay sa kanya. Siya rin ang direktor ng teleseryeng Araw Gabi ng Kapamilya, where he is under contract.

Abay babes

Sequel ba ito ng Bridesmaids, na gawa din ng Viva noong dekada ’80, at pinagbidahan ni Charlene Gonzales?

“Hindi po. It is about friendship ng limang kababaihan with intimate stories to tell. Kabilang sa mga characters ay isang querida, tomboy at a former nun. They are depicted by Cristine Reyes, Meg Imperial, Roxanne Barcelo, Kylie Versoza, at Natalie Hart,” paglilinaw ni Direk Don.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Kung sa pagpapa-sexy ang pag-uusapan ay si Natalie ang pinaka-game. Kaya lang, she is pregnant, at kailangang ingatan ang camera angles. All of us have happy working relationships. Ni isa sa kanila ay hindi ko kinakitaan ng attitude problem. “

“Another scene na tiyak na pag-uusapan ay ang threesome sex na buong ingat naming kinunan. Very confident akong lulusot ito sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board). Naniniwala akong ito na ang pinaka-seksing pelikula mula sa Viva para sa taong ito.”

Showing na ang Abay Babes sa September 19.

-REMY UMEREZ