ANG Regal Films producer na si Ms Roselle Monteverde-Teo ang may ideya ng konsepto ng The Hopeful Romantic, base sa kuwento ng isa sa mga sumulat ng script.
“Binuo po namin itong pelikula last quarter of last year (2017) naghahanap po si Ms Roselle about a conservative guy at isang liberated girl kung paano sila mai-in love sa isa’t isa,†sabi ni Mr. Ferrer sa blogcon ng THR nitong Biyernes.
“Ang peg po talaga namin sa lalaki ay conventional at hindi leading man type para convincing na virgin at conservative siya.
“Sa babae po, naghanap talaga kami ng artistang babae na malakas ang sex appeal sa mga lalaki, para po maging effective siya. At isa naman talaga sa may malakas na sex appeal ay si Ms Ritz Azul.
“Doon po nabuo ang istorya. Siyempre po, gagawin naming comedy na may romance na medyo pilyo na comedy. And ‘yun nga po ang premise ng movie ay conservative guy and a liberated girl plus si Direk Topel Lee pa ang direktor na gusto niya ng comedy.â€
Maganda nga ang konsepto ng pelikula dahil nagustuhan ito ng mga nakapanood ng trailer, na as of this writing ay umanot na sa mahigit 10 milyon ang views, kaya positibo ang Team Hopeful Romantic na papatok sa takilya ang pelikula.
Naibahagi rin ni Direk Topel na hindi siya nahirapan sa pag-iisip ng jokes dahil sina Pepe Herrera ang nakaisip nito.
“Ang laking tulong kapag ang mga kasama mo ay komedyante rin.â€
Natanong sina Pepe at Ritz kung ano ang experience nila habang sinu-shoot nila ang pelikula.
“Ako po masarap everyday na ibinigay po sa akin para magtrabaho together, kasi open po ang lahat. Hindi ka matatakot na mag-suggest kasi pinakikinggan po, kaya masaya po ang experience ko sa set,†kuwento ni Pepe.
“Ako hindi ko naramdamang nagtrabaho ako sa set, kasi pumupunta lang ako para makipagkulitan. Kumbaga binayaran ako para pumunta at makipagkulitan. Si Pepe nagbayad din kasi nakabasag siya sa hotel room, ang kulit-kulit kasi, ang likot-likot,†sabi naman ni Ritz.
Singit ni Pepe: “Para sa sining (‘yun) kasi natamaan dun.â€
Na-reveal na rin na ang bayad sa ginamit nilang MacArthur’s Suite sa Manila Hotel ay umaabot sa P500,000 per night kaya talagang in-enjoy nilang lahat ang nasabing kuwarto, dahil hindi biro ang kalahating milyon para lang sa isang kuwarto.
Samantala, natanong si Pepe kung nahirapan ba siya sa eksena na nahuling nagsasariling-sikap siya.
“Hindi naman po ganu’n kahirap,†kaswal na sagot ng aktor.
Sa madaling salita, ginagawa niya in real life kaya hindi siya nahirapan.
“Opo, aaminin ko nu’ng kabataan ko. Hindi naman eksaktong ganun. Pero ‘yung halos tumigil ang puso ko kasi ganun,†pag-amin ni Pepe.
At true to life rin pala na nahuli siyang may ginagawang milagro, o may kasamang kasintahan.
“Yes po, several times. Hindi po ako ako nagse-self sex. Kasama ko ‘yung kasintahan ko at hindi namin na-lock ‘yung pintuan sa bahay po nila. Nagtulug-tulugan na lang ako. Housemate po niya ang nakahuli.
“Kaya feeling ko po, relatable ‘yung movie, kasi nga po nangyayari talaga sa totoong buhay ‘yung mga ganung bagay,†natatawang sabi ng aktor.
Ano ang natutuhan ni Pepe sa nangyaring iyon sa buhay niya?“Mag-lock po ng pinto, huwag kalimutan, saka mas mag-ingat. Karamihan din po kasi sa atin may mga kasambahay, lalo na dito sa Metro Manila. Karaniwang middle class may housemate talaga kaya doble ingat.â€
Ano ang mas nakakahiya ‘yung na upload sa social media ang sexcapades o ang mahuli sa bahay?
“Eh, mas nakakahiya po ‘yung na-upload sa social media, kasi kasambahay kakilala mo po ‘yun. Sa social media hindi kakilala. Kaya ‘yung panghuhusga, malala. ‘Pag kapatid o magulang, babatukan ka lang, okay na,†katwiran ni Pepe.
At dahil no boyfriend since birth naman si Ritz kaya natanong kung ano ang pakiramdam niya kapag nagiging pantasya siya ng mga lalaki at lesbians.
“Well, minsan nakakatawa, minsan nakakatuwa. Nakakatawa kasi minsan may mga nagpapa-picture na babae sa akin, at sinasabing, ‘crush ka ng asawa ko, crush ka ng boyfriend ko.’ Nakakatuwa naman kasi parang ang open minded ng girlfriend na ‘yun o ng asawa na ‘yun.
“Unang-una nakaka-flatter, ibig sabihin, na-appreciate ka ng guy. Ibig sabihin tama naman ‘yung ginagawa ko sa sarili ko at siyempre mapansin ka pa lang o tingnan ka pa lang, nakaka-boost ng confidence rin. Lalo sa mga babae siyempre, dahil gusto naming laging may mapatunayan. Gusto naming mapakita ‘yung best namin like best asset. So, ang mapansin ng lalaki, nakakataba ng puso,†masayang kuwento ni Ritz.
Mahilig bas a babae si Pepe?
“Mahilig tumangkilik ng kagandahan ng babae po.â€
At sa mga babaeng type si Pepe ay ito ang pahayag niya para magustuhan din niya.
“Kung ano po ‘yung similarities nila ng ermat ko o nanay. Totoo po ‘yun na ‘yung mapapangasawa mo, ang laki ng resemblance sa nanay mo. ‘Yung mga four values. ‘Yung nanay ko po kasi hindi maarte, actually lalaki ‘yung nanay ko, kaya medyo mataas na set na standard ng nanay ko, kasi alpha female ‘yung nanay ko. Kaya I easily drawn to women na bargas o walang arte, cowboy,†kuwento ni Pepe.
At isa si Ritz sa may ganitong ugali na nagustuhan ni Pepe, pero hindi naman niya naisip na ligawan ang leading lady niya sa The Hopeful Romantic kahit single silang pareho.
Ano ang sexiest part na nakikita ni Ritz kay Pepe?“Physical, may abs siya, at ang ganda ng arms niya, toned siya. Sa face, ‘yung eyes niya, nangungusap.â€
Si Pepe naman: “’Yung mukha talaga ni Ritz, lalo na ‘yung baba. Very feminine for me kasi kung patulis ang chin. May ganu’n akong sariling view.â€
Anyway, hindi mahilig magbigay ng materyal na bagay si Pepe sa babaeng mahal niya.
“Mas gusto kong i-treat siya sa dinner or travels. Siguro ‘yung nag-stay kami sa Baguio, ganun. Hindi ko pa kasi nararanasan ang relasyon for more than a year. Kaya hindi ko pa naabot ‘yung New Zealand or Europe,†kuwento ng komedyante.
At si Ritz: “Kuripot ako saka wala naman akong boyfriend. Nagreregalo ako sa kaibigan ko, kuripot ako. Tatlong beses akong bumalik sa store at pinag-iisian ko kasi mahal ‘yung Colehaan na sapatos. Appreciation gift ko kasi kasi mas maraming ibinibigay sa akin at mas mahal pa, kaya ganun.â€
What are you hopeful for and romantic about?
“I think I’m a hopeful for a blockbuster bonanza for our movie and I am romantic about anything about romance because I myself, I’m a hopeful romantic in real life,†say ni Pepe.
“Hopeful po ako na maging maganda ang reviews nito sa audience at saka kung ano ang maibibigay namin sa kanila tungkol sa buhay nila. Parang iyon ‘yung achievement sa amin na maibibigay ng istorya at maisama sa buhay nila. At romantic ako about sa pamilya ko,†sabi naman ni Ritz.
At para mas lalong maunawaan ang mga kuwento nina Pepe at Ritz ay panoorin ang The Hopeful Romantic sa Setyembre 12, mula sa Regal Entertainment, at idinirek ni Topel Lee. Kasama rin sina DJ Durano, Mich Ligayu, Bodjie Pascua, Nikko Tuazon, at iba pa.
-REGGEE BONOAN