UMANI ng pamba-bash si Jake Cuenca nang ma-misinterpret ng fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang tweet ng aktor na nagrerekomenda sa publiko na panoorin ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral.

Jake

Nag-tweet kasi si Jake: “#goyo is a treasure! As Filipinos its our obligations to watch the film! It’s our heritage our history more than rom coms we need to watch this film to learn. It’s our local Lincoln!”

Ang dating ng tweet niya sa mga nakabasa ay pinariringgan niya ang The Hows Of Us nina Daniel at Kathryn, na palabas pa rin kasabay ng Goyo.

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin

May mga nag-react na KathNiel fans, at nag-tweet pa nga si Roxy Liquigan: “Natatawa na lang ako sa mga sinasabi ni Jake Cuenca. Hihihi, hehehe, hahahaha.”

Dahil dito, muling nag-tweet si Jake para mag-sorry.

“I would like to apologize for my tweet. I wasn’t pertaining to another film #thou aside from #goyo. It was wrong of me to compare genres but I wasn’t comparing both films because both films are great. Just happy to have variety in the cinema and we should support them all. My bad.”

Ang maganda, kaagad namang tinanggap ng fans nina Daniel at Kathryn ang apology ni Jake, at ang paglilinaw nito sa isyu. May nagpayo rin sa KathNiel fans na tigilan ang pamba-bash kay Jake dahil nag-sorry na ang aktor, and in fact, ang ilan sa nasabing fans ay nanood din ng Goyo.

Ayan, hopefully ay tapos na ang isyu at para wala nang magalit at ma-bash. Suportahan na lang natin ang lahat ng pelikulang Pilipino.

-NITZ MIRALLES