TULAD ng Heneral Luna, nagbukas sa mga sinehan nitong nakaraang Miyerkules na mangilan-ngilan lang ang nanonood sa Goyo: Ang Batang Heneral.

Goyo

Matatandaan na bagsak sa box office ang Luna nang unang ipalabas noong 2015 kaya pinull-out na sa mga sinehan, pero naibalik pagkaraan ng halos isang buwan nang magkaroon ng clamor ang moviegoers at maglabasan sa social media ang mga positibong rebyu ng mga estudyante.

Ginastusan ng P80M, nagkaroon ng cult following ang Heneral Luna na kumita ng kabuuang P256M.

Tsika at Intriga

McCoy De Leon, Joshua Garcia nagkita sa ABS-CBN Christmas Special?

Nalungkot ang showbiz observers sa namasdang opening day at agad kumalat sa social media ang mahinang reception sa film-bio ng isa sa mga rebolusyonaryo na naging alamat sa kasaysayan ng Pilipinas. Agad ding pinag-usapan ng mga taga-showbiz na kung hindi mababawi ang mas malaking production cost ng Goyo, mahihirapan o baka hindi na matuloy ang planong film-bio naman ni Pangulong Manuel L. Quezon. Una nga ang Luna, pangalawang installment ng trilogy ni Direk Jerrold Tarog ang Goyo.

Pero na-underestimate ng doomsayers ang kakayahan ng mga estudyante o millennials na matagal naghintay sa Goyo.Nitong Biyernes, eyewitness kami sa napakahabang pila sa Robinsons Galleria. Inakala namin noong una na ibang pelikula ang pinipilahan. Nang mag-usisa kami, mga estudyante pala sila ng La Salle Antipolo -- kasama ang kanilang parents at teachers.

Naghintay lang pala ang mga estudyante ng weekend, saka ipinakita ang puwersa nila.Naglalabasan na rin ang positive reviews, kaya mukhang hindi naman ito mapu-pullout kumpara sa Luna.Ayon sa sources sa TBA Productions nang tanungin namin, secured na ang second week nila.

Busy ang ad-prom nila sa pagbisira ng mga artista sa mga cineplex sa malls na masayang sinasalubong ng viewers“Good news naman po at productive ang pagbisita namin dahil super happy ang mga sinehan dahil malakas po ang Goyo. Lalo pang lumakas nu’ng nag-weekend,” reply ni Ms. Monina de Mesa nang kontakin namin kahapon.

“Maraming block screenings until next week. Guaranteed second week na po kami and we’re still at 200+ cinemas,” dagdag pa niya.

Maraming subliminal messages ang Goyo at mukhang madali itong nauunawaan ng mga estudyante.May pag-asa pa ang Pilipinas, kung ganoon.

-DINDO M. BALARES