MOSCOW (AFP) – Daan-daang katao ang inaresto sa Russia nitong Linggo sa nationwide protests laban sa unpopular pension reforms habang idinadaos ang local elections sa bansa.

Inaresto ng pulisya ang 839 katao, karamihan ay sa Saint Petersburg at sa Urals city ng Ekaterinburg, na nakikibahagi sa mga demonstrasyon na ipinanawagan ng nakakulong na opposition leader na si Alexei Navalny, sinabi ng independent monitor na OVD-info.

Halos 2,000 katao ang nag-rally sa central Moscow, sinabi ng isang AFP correspondent, habang nagdaraos ang kabisera ng mayoral election na tiyak na papanalunan ng incumbent na suportado ng Kremlin.

May mga sumigaw ng ‘’Putin is a thief’’ at ‘’Down with the Tsar’’ sa mga rallyista sa Moscow.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang mga planong itaas ang edad sa state pension sa 60 parta sa mga babae at 65 para sa mga lalaki sa bibihirang pagpahayag ng galit ng publiko, ay nagresulta sa pagsadsad ng approval ratings ni President Vladimir Putin.

Sa pagtaas, ang una sa ganitong hakbang sa loob ng halos 90 taon, ay mas ipapantay ang retirement sa West, ngunit iginiit ng mga kriktiko na ang mas mababang life expectancy ay nangangahulugan na marami ang hindi matitikman ang kanilang mga pension.