May 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking sinabihan ng pangit, nanuntok; biktimang sinapak, patay!

Lalaking sinabihan ng pangit, nanuntok; biktimang sinapak, patay!
Photo courtesy: Unsplash

Patay na nang natagpuan ang isang lalaking pinagsaktan umano ng ulo matapos siyang suntukin ng kaniyang kainuman sa sa Cebu.

Ayon sa mga ulat, nagkaroon ng inuman ang biktima at suspek kung saan nauwi umano ito sa tensyon matapos nilang mag-asaran.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang suspek umano ang naunang magbitiw ng biro. Sinabihan umano ng suspek ang biktima na may deperensya sa pag-iisip kaya raw ito nakapag-asawa ng may problema rin sa pag-iisip.

Pagkatapos nito, gumanti raw ng biro ang biktima at iginiit na masuwerte raw ang suspek na nakapangasawa siya ng maganda kahit siya ay pangit.

Bunsod nito, tila doon na raw napikon ang suspek at sinapak ang biktima.

Probinsya

'Di sinanto! Libingan ng dating vice mayor, binasag at pinagnakawan!

Ayon sa kaanak ng biktima naireklamo na raw nila ang insidente sa barangay. Nakatakda na raw sana ang hearing subalit hindi nakarating ang biktima. Nang bisitahin siya sa kaniyang tahanan, doon na tumambad ang walang buhay na katawan ng biktima.

Ilang araw na raw ininda ng biktima ang pananakit ng kaniyang ulo bago matapos ang insidente ng panununtok sa kaniya ng suspek.

Kaugnay nito, nakatakda namang isailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima upang mabigyang-linaw ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Samantala, inihahanda na raw ng mga awtoridad ang pagsasampa ng reklamong homicde laban sa suspek habang hinihintay ang resulta ng autopsy sa katawan ng biktima.