Naglabas ng panuntunan ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa pagtanggap ng care worker para sa Technical Intern Training program sa Japan.

Nakasaad sa Department Order No. 188-B, nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang mga kuwalipikasyon para sa aplikante sa ilalim ng Organization for Technical Intern Training Program of Japan para sa Technical Intern Training (TIT).

Para sa kategoryang care worker, kabilang sa mga alok na ang pagbibigay serbisyo sa ilalim ng Child Welfare Law; batas sa Comprehensive Support for the Daily Lives at Social Lives of Persons with Disabilities; Elderly and Long-Term Care Insurance law; Public Assistance law; at iba pang serbisyo sa community welfare center, work accident special nursing home business, mga ospital, at klinika.

Ang Philippine Overseas Employment Administration ang naatasang magbigay ng accreditation sa supervising/implementing organizations para sa pagpapatupad ng TIT sa kategorya ng care worker.

Tsika at Intriga

Danny Tan, tikom pa rin ang bibig sa kinasasangkutang isyu

-Mina Navarro