May 28, 2026

Home SHOWBIZ

Rufa Mae Quinto, ginunita unang b-day na biyuda siya

Rufa Mae Quinto, ginunita unang b-day na biyuda siya
Photo courtesy: Rufa Mae Quinto/IG


Inilahad ng aktres at komedyanang si Rufa Mae Quinto na ang kaarawan niya ngayong taon ay ang una niyang birthday bilang biyuda.

Ito ay matapos mapaulat ang pagkasawi ng mister niyang si Trevor Magallanes noong taong 2025, batay na rin sa kaniyang kumpirmasyon.

MAKI-BALITA: Mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes, sumakabilang-buhay

Sa isang Instagram (IG) post na ibinahagi ni Rufa kamakailan, tahasan niyang sinabi na forever na mananatili sa kaniyang puso ang namayapang asawa.

“My birthday in Hawaii 2 years ago.. missing our family. We usually celebrate mother’s day , my Moms death Anniversary May 26, my birthday May 28 and father’s day when we travel! Ok ang lahat , pinaka masaya na taon magkasama … Now , me and Athena will go back to our home in San Francisco without you( physically) … after everything! You will be in my heart forevermore!Go go go!” saad ni Rufa sa kaniyang post.

Aniya pa, “First birthday ko na widow .. babang luksa. Luks like we made it! Anak!Naks!”

Umani naman ang post ni Rufa ng suporta mula sa kaniyang mga tagahanga at kakilala.

“truly inspiring——po i pray we all learn how to carry any situation with so much grace just like YOÜ…thankyou @rufamaequinto”

“We love youu Rufa & Athena”

“God Bless you always @rufamaequinto and pretty Athena!”

“Hindi ko kayang basahin ng seryoso dahil nababasa ko with Ruffa’s voice haha! Happy Birthday go go go!!”

“I love how you handle the situation and still manage to make people laugh despite na my pinagdadaanan ka sa buhay. Wishing you happiness and healing you truly deserve!!! Go! Go! Goooo!!! Yahoooo!!!”

“Happy Blessed Birthday…Take care always”

“Let's celebrate before you leave!!”