ISANG bagay ang gustung-gusto pa ring gawin ni Dina Bonnevie, at wish niya ngayon ang makapag-host uli siya ng isang talk show.

Dina copy

Ayon sa aktres, may nag-offer daw sa kanya noon, pero hindi nagkaroon ng katuparan ang project.

Ang gusto pa nga ng batikang aktres ay magkasama sila ng kanyang anak na si Danica Sotto-Pingris. Minsan nang naging host si Danica ng talk show for women sa TV5.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Ano ang posibilidad na gumawang muli ng pelikula si Dina?“Basta maganda ang role ay walang problema,” sabi ni Dina.

“Gusto nga sanang igawa ng sequel ang Underage na ang working title ay ‘Overage’. Ang kaso cougar ang magiging role namin. I don’t like the idea na iibig ako sa isang sobrang batang lalaki,” aniya pa.

Happy ngayon ang aktres bilang maybahay ng isang public servant. Ilang taon nang kasal si Dina kay Ilocos Sur First District Rep. Deogracias Victor Savellano. Itinataguyod niya ngayon ang livelihood para sa lalawigan, partikular ang pagbuhay sa weaving industry.

Huling napanood si Dina sa pelikulang Citizen Jake, kung saan gumanap siyang ina ng bidang si Atom Araullo.

-REMY UMEREZ