MAY ilang male celebrities na pumapayag na magkaroon ng kissing scenes sa pelikula o teleserye ang kani-kanilang girlfriends. Trabaho lang daw ‘yun, at walang personalan. Suporta na rin ‘yun sa kani-kanilang respective career.

Vice at Daniel copy

Sa panayam ni Vice Ganda kay Daniel Padilla kamakailan—para na rin sa promotion ng certified blockbuster na ngayong The Hows of Us—ay tinanong ng una ang aktor kung papayag ba itong mahalikan ng ibang aktor ang reel-and-real life partner niyang si Kathryn Bernardo.

“Limang taon akong naghintay para mahalikan si Kathryn (sa movie) at just like that ay she will be kissed ng kanyang leading man? No way! Hindi ako papayag,” sagot ni Daniel.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nananatili pa rin ang pagiging conservative ni Daniel, na sa edad na twenty three has become a responsible and matured individual.

Eh kung ibaling kaya natin ang tanong ni Vice kay Kathryn mismo, ano naman kaya ang magiging sagot ng girlfriend ni Daniel?

-Remy Umerez